Mga Halimbawa Ng Nambubulas At Bunubulas
Mga halimbawa ng nambubulas at bunubulas
Nagkalat na ang isyu ng pambubulas. Napakalaking epekto nito kapuwa sa indibiduwal, reputasyon ng paaralan at sa kapakanan ng pamilya. Alamin natin ang nambubulas at binubulas:
Ang isa na nambubulas ay tumitingin sa kakaibang pisikal na hitsura ng isa na gusto niyang i-bully. Natutuwa siyang gumawa ng bansag na kakatwa para ihayag ang kapansing-pansing hitsura ng iba. Tiyak na mas nakatataas ang kaniyang pisikal na hitsura kaya may lakas siya ng loob. Ang binubulas ay maaaring nagtatago ng kaniya mismong kakatwang hitsura. Maaaring ito mismo ay ninanais niyang alisin sa kaniyang sarili.
Maaari ding dahil sa kayamanan o impluwensyang mayroon sa pamilya ang maging dahilan kung bakit ang isa ay nambubulas. Nagagawa niyang kontrolin ang isang grupo ayon sa makasasapat sa kaniyang pangangailangan ito man ay para sa pag-aaral o sa mga isyu sa labas. Ang isa na napili nilang mabulas ay isa na pakiramdam niya ay nangangailangan sa kaniya o may utang na loob sa kaniya o sa kaniyang pamilya. Madalas na sinusunod siya nito kahit ayaw niya kahit na sa kaniyang ikapapahamak.
Ito ay mga pangkalahatang mga kalagayan. Bawat isa dito ay may kani-kaniyang bigat. Minsan kasi ay naisasama ang pisikal na pang-aabuso kasama na ang emosyonal na depression o pagkatakot. Maaaring maging civil case ang mga malulubhang kalagayan hanggang sa crimincal cases kapag naging isyu na dito ang buhay at kamatayan. Isang nakalulungkot na bagay na nagmumula lamang sa katuwaan!
Comments
Post a Comment